Wednesday, December 5, 2018

November 2018: EM&M Bread and Cake Baking Workshop & Tutorial


It was a memorable November 2018, new entrepreneurs and new find freinds as well. Learning was fun, skills to furnish and business to start.
See you this December 2018. 🎄✨🎁 ⭐17 Baking Sessions, 46 Students (Hands-On & Online)⭐ 🇵🇭 FROM (dumayo sila ng Marikina City):🇵🇭
🔥ACTUAL HANDS-ON & ONLINE TRAINING BAKING VIDEOS ARE NOW AVAILABLE!🔥 🛒 http://www.emmbaking.com 🛒 http://www.emmbaking.com

Tuesday, October 30, 2018

October 2018 EM&M Bread and Cake Baking Workshop/Tutorial



Fellow bakers and entrepreneurs,
October 2018 Unlimited Bread feast for Octoberfest
10 Baking Sessions, 29 Students (Hands-On/Online)
Malayo at malapit, walang dahilan para hindi matuto at magnegosyo! Ang rekado ng tagumpay ay nakakamit sa unang hakbang at ito'y kailangan tama. See you guys this November 2018 and beyond! 

Wednesday, October 10, 2018

6-TAON PAGBIBIGAY INSPIRASYON, EMPOWERING ENTRE-PINOYS!


Gusto mong magnegosyo, gusto mo libre, gusto mo madali at baka gusto mo isusubo na lang at hindi na paghihirapan o gagastusan?

Meron namang youtube, merong google? Bili ka kaya ng baking book sa bookstore. Puede nyo naman pakiusapan yung panadero sa kanto turuan kayo magtimpla, magmasa at magluto ng masarap na tinapay. Kulitin nyo, offeran nyo ng 12k? O puede naman kayo umattend sa seminar ng sikat na pastry chef. Baka hindi pa kayo mapagastos ng "malaki".

Ang tanong mahal ba ang 3500? Para sa isang araw na kaalaman mong magagamit sa iyong uumpisahang kabuhayan? Mahal ba ang 12k para sa kumpletong 4 na araw na pasabog na sekretong iyong matutuklasan sa pag gawa at pamamalakad ng bakery?

Ang binabayaran nyo ay ang 6 na taon naming kapalpakan na hindi nyo na makikita sa 1 o 4 beses nating pagkikita. Binabayaran nyo rin ang walang halagang (priceless) mga tips at procedure (pamamaraan) kung paano ang negosyong ito ay gawin ng tama. Yes tamahh ehh! Hindi mo na kailangan manghula, mag eksperimento at makiusap sa iyong panadero o kilala na turuan ka ng tama! Huwag na yung eksaktong timpla, sukat at oras na aming na-perfect para lakas-loob naming ituro ito sa iba, napapraktis naman yan!

Magnenegosyo ka, bibili ka ng equipments, raw materials, magsesetup ng puesto, susuweldo ng tao at gagastos pa para makilala ang produkto mo. Pero halagang 3500 o 12k pinag iisipan mo kung mai-scam ka ng @emmbaking101.

Sa tinagal-tagal ng panahon, may nakita kang isusubo na lang sa'yo ang kaalaman. Yung tama at totoo. Hindi tsismis, hindi haka-haka at hindi kuwento-kuwento.

6 years na ngayon ang EM&M, mula sa isang hamak na umpisa nakapag-turo na kami ng halos 1200+ katao. Karamihan tulad din namin na nangangapa kung paano magsisimula. Maraming magaling, mayabang, tahimik, simple, nanunubok, tanga-tangahan at mas mahaba pa ang experience sa amin. Pero lahat ay iisa lang ang sadya ng pumunta sa aming "malayong venue" ang matuto at makapag simula ng kanilang plano o pinapangarap na negosyo.

Sabi ko nga, kung ang duda mo ay mananatiling duda. Tanungin mo na ang sarili kung saan at ano ang magagawa sa iyo ng iyong duda.

Sa industriyang ito, ang nagtatagal ay yung totoo, yung maganda ang hangarin at iisipin muna ang ikakasaya ng ibang tao bago ang sarili.

Salamat sa mga naging bahagi ng aming paglalakbay.Araw-araw lagi kaming excited, para rin kaming laging nagsisimula, nakikita namin sa inyo ang mga aming sarili kung paano kami nag-umpisa. Again, 6th year Happy Anniversary EM&M. Hangang sa muling 6 days, 60 weeks, 600 months at 6k years magkita-kita tayo!

- Edgar Mejia (EM) & Myra (M)
A Blog Entry 10.11.18
Wordpress:  https://bit.ly/2OT8avz

Monday, October 1, 2018

September 2018 EM&M Bread and Cake Baking Workshop/Tutorial




 SALAMAT SA TIWALA AT PAGTANGKILIK! BOOK YOUR SCHEDULE ONLINE: www.emmbaking.com
44 Baking Students, 17 Sessions, 7 Online "Baking is Love for a September to remember" with beginners, expert bakers, bakery owners and entrepreneurs.

Sobrang dali, hindi kumplikado, halina't mag-negosyo!

BOOK YOUR SCHEDULE ONLINE:
www.emmbaking.com
www.facebook.com/emmbaking101
www.instagram.com/emmbaking101
www.twitter.com/emmbaking101
BOOK YOUR SCHEDULE ONLINE:
www.emmbaking.com
Call/Text or PM to confirm your Booking.
☎ (02) 964.8272 | 0919.66666.11 | 0917.633.8684

Saturday, September 1, 2018

5-DAYS MAESTRO PANADERO BAKERY PROGRAM V2.0



BER MONTHS NA BOSSING! THE PEAK SEASON! Taking your business seriously! Yes! taking your career to the next level! 👌🏻
"Huwag papayag na bilang bossing ng iyong sariling bakery hindi ikaw ang Master Baker! Dapat ikaw ang petmalung lodi!" Introducing this 2018, the revised 5-Days Maestro Panadero Bakery Program v2.0. 5 Bread Classifications in 5 days of Intensive non-stop Breads and Cakes Workshop/Training to prepare you to the rigid bakery management & production.
** Class Fee: 15,999.95 **

🏷⏲BOOK YOUR SCHEDULE ONLINE: www.emmbaking.com  👈🏻

Thursday, August 30, 2018

August 2018: EM&M Bread and Cake Baking Workshops



Umuulan, bumabagyo at bumabaha ang buwan ng August 2018. Umuulan ng karunungan! Bumabagyo ng biyaya! Bumabaha ng pagkakakitaan!

57 Baking Students (Actual Hands-On/Online) with 17 sessions Just continue sharing lang kami... See you guys this September 2018 and beyond.

Book now Online: www.emmbaking.com

Online Booking with EM&M is officially launched!

https://www.emmbaking.com
BOOK YOUR SCHEDULE ONLINE: www.emmbaking.com
BOOK YOUR SCHEDULE ONLINE: www.emmbaking.com
Call/Text or PM to confirm your Booking. ☎ (02) 964.8272 |  0919.66666.11 | 0917.633.8684

July 2018: EM&M BREAD AND CAKE BAKING WORKSHOPS


July 2018 was a blast! 13 sessions, 40 students (Hands-on & Online) Baking from beginning to perfection with fellow bakers, non-bakers, experts and bakery owners.
See you this August 2018, the perfect time to learn you’re dream bread business before the “BER” months. Perfect and easy @emmbaking101

Tuesday, July 3, 2018

June 2018: EM&M BREAD AND CAKE BAKING WORKSHOPS

Mid-year of 2018. All blessings and learnings poured in the rainy month of June! "Simply Bake it Happens" with 58 beginners and entrepreneurs (Actual Hands-On and Online) See you on July 2018!

Sunday, June 3, 2018

May 2018: EM&M BREAD AND CAKE BAKING WORKSHOPS


 A productive summer May 2018 for us, 20 Baking Sessions with 38 non-bakers, bakery owners, home bakers and entrepreneurs. Bake it happens this June 2018. Join us as we continue our advocacy of helping aspiring business-minded people the ABCs of Bread and Cake Baking

April 2018 EM&M BREAD AND CAKE BAKING WORKSHOPS




April 5-26, 2018
38 Baking Students (Hands-On/Online)
14 Baking Sessions with pre-teen to senior, beginners and expert bakers.
You too can do it, this is the real deal.
Ang tunay na Baking Class 101 from beginning to end.
The pictures speak for itself!
See you in one of our training this May 2018 and beyond.

Tuesday, April 10, 2018

Ang pambansang tinapay ng mga Pilipino -- Ang Pandesal.


Sobrang daming recipe at pamamaraan para gawin ang Pandesal, 10001 ways to make this bread ika nga ng mga foreigner. Nandyan ang Youtube at Google, hindi mo malaman kung ano talaga ang tama at kung ano talaga ang magsasabing kung ano ang "Authentic Taste" kung hindi mismo ikaw ang gagawa, magluluto o kaya mismong titikim. Ginaya mo naman step-by-step, recipe at procedure pareho naman, pero bakit hindi mo makuha?

Hindi kailangan komplikado at magastos. Simple at basic bread lang. Saang panig ka man ng mundo, ang Pandesal na nakasanayan nating almusal sa umaga, kailangan alamin mo muna! Tamang timpla, tamang masa, luto at lambot. Perfect pang-pamilya at pang-negosyo!

Video Credits goes to Mr&Mrs Dang of New Jersey USA.


Monday, April 2, 2018

UNDERSTANDING THE BREAD BUSINESS



It's not all just in making breads. First you must understand, what you're product will be all about... In our lectures we discuss not just the recipes and techniques. Secondly, we're making sure you're doing it right from beginning to end. Explaining everything you all need to know. Even the secrets in buying correct equipments, budget-wise raw materials and how to earn out of it (costing). Last and more importantly, the motivation in pursuing the business starts here!

Why and what I need to know in putting up a successful bread supply or bakery business? Skills can be discovered, learned and enhanced. Investing your hard-earned money in a career or business you're not familiar with is a different perspective you should be carefully thinking hundred times from all angles, in and out.

Lecture must be the most integral part. All secrets revealed that any baker or chef will not tell you. Expect the unexpected only here @ EM&M Bread Baking Workshop and Tutorial

Thursday, March 22, 2018

THE 6Ps of BAKERY AND BREAD BUSINESS IN THE PHILIPPINES




PRODUCT - Basically its all about breads, different variations or types to choose from but one stands-out among the rest, specifically here in the Philippines. It's the Bread of Salt or locally called Pan De Sal. Yes, as we commonly bought from nearby neighborhood bakeries, the Pandesal we admired must be delicious, soft, fresh and yes... HOT! The business evolve from the principle that Pinoy eat bread first, the moment they woke up. From frequent snacks in a day, we consider first buying bread to fill up our stomach before rice meals. As we always emphasize the importance of making delicious Pandesal in our baking sessions, before or even trying to make other breads with or without flavors, topping or fillings we make it sure to perfect the Pandesal, it's taste and consistency. If not, then improve the recipe, research, ask for feed backs and practice more on the techniques. Then sell it proudly, hot and fresh!

PLACE - Bread Business is not a quick-rich opportunity. It's a process, its a journey and importantly putting up your place of business in accessible to people from all walks of life. Location is the step to  your success. You may have all the skills, manpower and resources but you don't have a good place for this business, the success seems so slow or none at all. Unless you're considering doing it somewhere, like at home then look for someone to deliver or distribute it for you, then good! Bread supply business sometime don't need physical store and display. Importantly it requires strategy. A well known motivational speaker was asked in one morning TV talk show with a question, "what's the most important factor to succeed in a business?" then without hesitation he said: "number 1 is location, number 2 is location and lastly, number 3 is location!

PEOPLE -From all ages, from A to E classes of our society, everyone eats breads. Its a matter of how your business attract consumers, how your products are presented and how you want your breads to be a must in every family's table. The bakery business in the Philippines can be connected to Sari-sari store business, where varieties of items are sold as consumables. Bread does not select particular market. Negosyong pang-masa ito, pang-mayaman o mahirap! Lahat puedeng kumain ng tinapay! 

PRICING - In the monetary aspect of this business, pricing must be given extra care as well as emphasis. It defines not only the product or the place of the target market. It also reflects what quality, how good or how people will accept it. "Ano ba talaga ang binabayaran sa'yo? Some will say "Ay kaya pala mura, hindi naman pala masarap! or "Ang mahal naman, hindi naman masarap!" Two different things, when you're selling commercial breads, people always look for value of their money. They always look for consistency, the taste and the appearance. The size (if its big but cheap, then Ok)  and how delicious (masarap at malambot, mas Ok!) they got, for every cents they're paying.

PROMOTION - Remember the word "suki system". Establishing your  market seems so easy. You can think of several ways to attract consumers... nice place, good price, quality product or services are important factors to build your business. But how to sustain the flow of costumers is a different thing. People loves to hear the word, discount, buy-1-take-1, less, off and many more strategical gimmicks to attract people. it’s not the other way around the you should depend to “by words” and foot traffic. You must do it for yourself. Do what you’re not usually doing, ikaw gumawa ng paraan para mabenta ang tinapay mo. The secret is - know your product very well. You don't need a celebrity to endorse or promote your product. Ikaw mismo ang artista, pag tinanong ka; "masarap ba yang tinapay n'yo? Yes of course! Alam mong umarte ng totoo! And not to say; "sabi nung huling bumili masarap daw!

PRODUCTION - totally it depends on these, how many you’ll gonna produce in a day? You just can’t produce plenty if there will be few buyers. You can’t just settle for few breads, but more buyers want to purchase your breads. It’s a different thing, we’re talking here of food that  have expiration or have the tendency to lapse if not consume immediately. Kailangan maingat sa pag-gawa, you must be aware of  “Calculated Risk”. There will be time during the course of your operation or bread production that you’ll get tired, because no one or seldom buy your breads. Mas nakakapagod ang konti lang ang ginawa tapos walang bumili, Kaysa marami kang ginawa pero naubos naman.

Well, with all these in mind make sure all your efforts and resources will not be wasted. It’s a daily commitment. Hardship, errors and mistake will push you to perfection, you must also give importance to service. Yes it’s a service you must love and put your dedication on it The business will be easy, fun and exciting if you enjoy what you’re doing, and that is --- BAKING while earning!

by Edgar Mejia
EM&M Bread Baking Workshop and Tutorial


AN AUTHENTIC TASTE OF HISTORY


Pagdating sa tinapay, lalo na ang mga Filipino Breads, hindi maikakaila na kabisado na mga Pinoy ang lasa nito. Saan dako man tayo ng mundo makarating, hahanap-hanapin natin ang kakaibang amoy at ang tradisyunal na lasa (authentic taste) partikular ang ating kinalakihang at kinasanayang -- Pandesal.

Ilan beses na rin akong natatanong, "Sir saan galing ang recipe n'yo po ng inyong tinapay, lalo na ang Pandesal?" Mahabang istorya, ilang salin-saling kuwento at sobrang daming experimento, yun lang ang sagot ko. Pero kung ang inyong Lolos, Lolas, Titos and Titas ay nanirahan sa Marikina panahong 1950's to 1980's tiyak hindi maikakaila na ang namayagpag at nakilalang mga tinapay noon ay nagmula sa TAPAT BAKERY (tinatag taong 1946 sa Sto. Nino at nalipat sa Kalumpang, Marikina Rizal nung 1949), na pag-aari ng mag-asawang Bonifacio Chu-Ching (D) at Gertrudes TAPAT (D) mga anak, Aweng, Cesar, Gloria, Andoy (D), Toto, Nora (D), Nene, Solly at Ensoy (D). Ang ina naman ni Edgar Ching Mejia (EM&M) ay si Nora Chu Mejia (nasa Picture). Wala pang Metro Manila noon, wala pang mga fastfood chains at malls. Hindi puedeng hindi ka bibili ng sikat na "Monay ni Tuding" pag ikaw ay nagawi sa Marikina.

Wala ng nakapagpatuloy sa mga anak, pamangkin at apo ng panaderya. Naging busy na ang lahat sa kani-kanilang propesyon at mga buhay. Hanggang pinaupahan (Maunlad Bakery) na lang ang puesto, kagamitan at tuluyan ng namaalam nung late '80s.

Makalipas ang ilang dekada biglang sumulpot ang EM&M Bakeshop - October 2012. Nagulat at natuwa ang ilang angkan Chu-Ching. "Ikaw nagmana ng pagbe-bakery ng Lolo Pasyo mo!" Galingan mo sa Pandesal at Monay, sarapan mo, dyan makikilala ang bakery mo!" wika ng panganay na anak (Tita Aweng) kay Edgar. "Saka mo na galingan sa mga matatamis at pang-estante."

"Wala akong maalalang timpla (recipe) ng Lolo mo, taga tinda at bantay lang naman kami sa panaderya ng Nanay mo, basta ang natatandaan ko lang nakaka-200 sako ng harina dati ang Tapat Bakery araw-araw." ang kuwento naman ng isa pa nilang kapatid (Tita Gloria). Ang Pandesal kailangan hindi matamis, kaya nga Pan-de-SALT ito" pahabol nya.

Sa isang okasyon, February 2013, nagdala kami ng aming "bestseller" monay. Pinatikman ko sa aking Tatay, na nag-bakery rin nung 1980's (Nora's Store & Bakery) at ito naman ang kanyang sabi. "Masarap ito, pero malayo sa lasa ng tinda namin dati ng iyong Nanay at sa Lola Tuding mo." Meron siyang pinabago, pinadagdag at pinaalis na mga sangkap, pinaliwanag ang dahilan at tinanong ko, paano sukat ng mga ingredients, paano ang proseso, at paano ang teknik. "Bahala ka na, kapain mo na lang! Basta sundin mo lang ang bilin ko, sasarap at gaganda yang tinapay mo!" dagdag pa niya.

Ngayon (EMMBAKING 101), ang aming recipe ay pinagsamang traditional na timpla at resulta ng maraming trial and error. Hindi naging madali, marami kaming nasayang pero naging makabuluhan ang lahat, dahil sa aming mga palpak ay natuto kami para maging perfect ito. Ang aming tinuturo ay mga laban namin sa buhay na walang videos sa Youtube. Lahat tama, lahat totoo at lahat pang-negosyo.

Discover the secret and experience the taste of the Authentic Pinoy breads. Exclusive from EM&M. See you in one of our Bread Baking Training!


Monday, March 19, 2018

EVERYDAY WAITING FOR A SIGN



Year 2012 Marso, ang negosyo namin ay hindi tungkol sa pag-gawa ng tinapay, nasa network at online marketing kami noon ng aking upline-misis. May produktong kailangan kaming ibenta at may mga taong kailangan kumbinsihin para magbenta rin nito. Medyo tagilid na ang katayuan ng company at papunta na sa pagsasara. Suma-sideline sa mga Art Workshop at Art Contest Judge paminsan-minsan. May tangap na catering services, pero hindi kasing dalas ang minsan. Sa isang salita, walang tiyak na raket. Sumadya kami ng Redemptorist Church sa Baclaran. Naiisip namin ang pagtatayo ng bakery pero hindi pa kami handa, at totoong wala kaming alam sa negosyong ito. Ang naalala kong ipinagdarasal ko ng mga oras na yun ay "Lord, bigyan mo kami ng SIGN kung ano ba talaga ang negosyong tama at nilalaan Mo para sa amin."

Sa hindi akalain o talagang ang senyales na hinahanap namin ay maririnig pala namin sa homily. "Ako ang TINAPAY NG BUHAY, ang sinumang lumapit sa Akin ay kailanman ay hindi magugutom..." wika ng paring nagmimisa. Parang nagliwanag ang isip ko nun, at nabanggit ko sa aking katabing future master baker (misis) ko, "...ito na yata yun! Ito na ang sign na hinihintay natin, TINAPAY daw!" Ituloy na natin kung ano man ang ating mga plano, at siguro may nilaan Siyang maganda para sa atin.

Mahigit apat na taon kaming biniyayaan ng lakas at pagpupursigi para harapin ang bawat araw-araw na pagsubok at hirap. Mahabang pasensiya sa pakikiharap sa mga tao. Lakas ng loob na kayanin lahat ng bigo at tagumpay. Trial and error ang aming puhunan, perfection ang aming ultimate goal. Pangalawa na lang ang kita, una muna ang kailangan sa baryang ibinabayad sa aming produkto kapalit nito ay kasiyahan, ngiti sa aming mga suki at patuloy na pagtangkilik nila.

Yung mga sagot sa aming panalangin nakuha sa hindi naming inaasahan pagkakataon. Naging mahirap pero kinaya, may mga naging palpak pero naging masaya at may mga pagsubok pero bawat pagkakamali ay naging aral para maging tama ang lahat. Mga pinagdaanan naming pagsubok na siyang nagpatatag. Na balang araw pala gagamitin Niya kaming instrumento para sa mga kagaya rin namin na noo'y naghahanap ng sign sa pagsisimula ng negosyo.

Hindi madaling magturo, lalo na kung ang tuturuan mo ay mas marunong pa sa'yo, na minsan hinihintay kang magkamali. Hindi madaling magturo kung ang tuturuan mo ay never nakahawak ng harina at hilaw na tinapay sa buong buhay nila. Hindi lahat ng nag-aral ng high school ay kayang ituro ang natutunan nila nung high school. Puede kang maging magaling na dancer, singer o basketball player, pero yung skills mo ba epektibo mong maituturo kahit kanino? Teaching is talent different from skill. March 2012, anim na taon na pala ang nakalipas, yung SIGN na binigay sa amin ni Lord ay patuloy na nananariwa sa bawat nagme-message sa'min ng: "SIR/MAAM, KAILAN PO KAYO MAY BREAD BAKING TRAINING?"

Sa tunay na Mentor namin sa taas, Thank You po sa walang katapusang SIGN!

(Blog Entry, March 20, 2018)
by Edgar C. Mejia (EM)

Thursday, February 15, 2018

9 KATANGIAN NG ISANG MAESTRO PANADERO

#WantedMasterBaker

Kadalasan mas madali pang humanap ng doctor, nandyan lang sila sa mga hospital, ng abogado, nandyan lang sila sa korte o ng driver, nagkalat lang sila dyan sa kalsada. Pero ang BAKER o PANADERO, may isang buwan na halos naka-paskil sa labas ng mga bakery ang "WANTED MASTER BAKER" wala pa ring nag-aapply?

Isa-isahin natin ang mga katangian para mas maunawaan natin ang kahulugan ng isang pagiging Master Baker o ng Maestro!

1. ) Hindi sa dami ng alam gawing sako ng harina, hindi sa daming klaseng tinapay ang kayang gawin sa isang araw. Ang pagiging Master Baker ay higit pa kung paano ka magiging "productive", ikaw at ang mga kasama mo sa loob ng isang bakery. Kahit isang klaseng tinapay lang yan, eh kung iyon naman ang expertise mo na mabenta.

2. ) Ikaw ang leader, head baker, coach, captain ball, go-to-guy, captain of the ship, ikaw ang take-charge person o over-all supervisor ng isang bakery. Leadership runs in your blood.

3. ) Ikaw ang mata, tenga at bibig ng may-ari ng bakery. Kung ano mang kahinaan, kapalpakan at kakulangan ng iyong mga kasama (assistant, helper, hornero, atbp) ikaw ang magpupuno.

4. ) Sa'yo naka-salalay ang sistemang iiral sa araw-araw n'yong paggawa. Pag tinanong ka ng may-ari, hindi puedeng ang sagot mo'y hindi ko alam o ewan ko po. Ikaw ang pinaka-positive, pinaka-compose, maparaan, maasahan at higit sa lahat mapagkakatiwalaan hindi lang ng may-ari, pati na rin ng iyong mga kasamahan.

5. ) Ikaw ang pinaka-mapagkumbaba, hindi malaki ang ulo, hindi pasaway, marunong makinig at marunong tumanggap ng pagkakamali. Handang matuto at maimprove pa ang kaalaman miski na alam nilang mas nakakataas ka sa iyong mga nasasakupan.

6. ) Una kang gigising, huli kang matutulog kung kinakailangan. Ang responsibiiidad ng kalinisan, kaayusan at katahimikan ng bakery ay sa'yo magsisimula.

7. ) Ikaw ang quality control ng timpla, lasa at kalidad ng inyong produkto.

8. ) Marunong mag-suggest ng ikakabuti ng bakery, marunong mag-costing, marunong magtipid at alam kung paano mas tatangkilikin ng mamimili ang produkto.

9. ) Never nag-isip kalabanin o pagplanuhang umalis pag naka-ipon na at magtayo ng sariling bakery. Nasa puso ang ginagawa at may intensyong paunlarin ang may-ari.

Alin man, isa, dalawa o higit pa sa mga katangian sa nabanggit sa taas ang meron ka, ipagpatuloy mo lang at kung kulang pa sikaping makamit ito, panghuli na ang suweldo. Everyday is a learning process, yes the journey starts in a single step, don't expect that in days or weeks you'll get everything and regarded notably known to be a Master Baker. It could take years and possibly a lifetime.

Wednesday, January 31, 2018

CLASSIFICATION 5: All-Season Bakery Special Delights


*** INTRODUCING! NEW CLASS ***
CLASSIFICATION 5: All-Season Bakery Special Delights
Introductory Class Fee: ₱4500
(Recommended for Advance Learning and for our former students)
Time: 9:01am – 4:01pm
1. Egg Pie
2. Custard Cake
3. Torta
4. Fortress
5. Lambingan Cookies
6. Yema Bread
7. Peanut Bread
8. Ube Bar
9. Gelatin Cake
PM US Now For Sure inquiries or call 0919.66666.11

2018 January EM&M Bread and Cake Baking Workshops

Thursday, January 4, 2018

2018 EM&M COMMERCIAL BREAD BAKING WORKSHOP FOR BUSINESS



Join us this 2018. Effective Bakery Program for Beginners and Non-Bakers. Guaranteed learning for your sure earning! All Hands-On. No more trial. No more error. Start and rule yout own bakery business! PM US NOW! #emmbaking101 #2018BakingGoals

Wednesday, January 3, 2018

2018 EM&M COMMERCIAL BREAD BAKING WORKSHOP



WHAT: 2018 COMMERCIAL BREAD BAKING HANDS-ON TUTORIAL/WORKSHOP
WHEN: ANY DAY(S) of the Year 2018
WHERE: MARIKINA CITY (kindly refer to attached photo)
FEE: 3500 or Up (depending on the course, number of days and Bread Classification, kindly browse attached photos)
KUNG IKAW AY ISA O MAY KILALA SA MGA ITO:
✔️ Gustong magtayo ng bakery, pero hindi alam paano uumpisahan
✔️ Nagbukas ng bakery, pero saglit lang nagsara
✔️ Nakabili na ng bakery equipments pero hindi alam gamitin
✔️ Umaattend ng ibang training o bread workshop pero hindi natuto
✔️ Magaling na sa pag-gawa ng cakes at cupcakes pero hindi pa perfect ang TINAPAY na puedeng pangtinda?
✔️ Malaki ang problema sa pasaway na Panadero
✔️ Gumawa ng Pandesal pero hindi umalsa
✔️ Napagod na kapapanood ng FREE baking video sa youtube, pero matigas pa rin ang gawang tinapay
✔️ Dami ng nadownload na FREE recipe sa google, nabiling baking books, pero palpak pa rin ang assorted breads
✔️ Gustong kumita sa tinapay, pero problemado sa mahal ng baking raw materials at hindi alam mag tamang costing.
✔️ Gustong careerin ang pagbe-bake, kahit iba ang line of work o business.

DURATION: Training in 1 day, 2 days or 4 days, depending on how many bread classifications you want to take.
ALL HANDS-ON (Not just a demo) Dito kayo ang bida! Kayo po lahat ang gagawa, magtitimpla, magpipigura, magmamasa at magluluto.

INCLUSIVE: Ingredients, use of equipments/tools, lecture on the business, lunch, snacks, Certificate of Participation, recipe printouts and your own take home baked breads.

Business po ang ating pag-uusapan, puedeng pambahay o pang-negosyo. Actual bread production, yung totoo at tama hindi yung kuwento o sabi-sabi lang.

Tara! Join ka na LODI, araw-araw puede kang magpa-sked, kami ang mag-aadjust kung kailan ka libre! Mag-isa o marami (may discount) kayo Ok lang.

Kung may iba pang tanong, masasagot yan kung susundan mo ang aming posts, photos, videos, reviews sa aming Facebook Page: http://www.facebook.com/emmbaking101 o I-PM mo lang ako.
#emmbaking101 #2018BusinessGoal