Thursday, February 15, 2018

9 KATANGIAN NG ISANG MAESTRO PANADERO

#WantedMasterBaker

Kadalasan mas madali pang humanap ng doctor, nandyan lang sila sa mga hospital, ng abogado, nandyan lang sila sa korte o ng driver, nagkalat lang sila dyan sa kalsada. Pero ang BAKER o PANADERO, may isang buwan na halos naka-paskil sa labas ng mga bakery ang "WANTED MASTER BAKER" wala pa ring nag-aapply?

Isa-isahin natin ang mga katangian para mas maunawaan natin ang kahulugan ng isang pagiging Master Baker o ng Maestro!

1. ) Hindi sa dami ng alam gawing sako ng harina, hindi sa daming klaseng tinapay ang kayang gawin sa isang araw. Ang pagiging Master Baker ay higit pa kung paano ka magiging "productive", ikaw at ang mga kasama mo sa loob ng isang bakery. Kahit isang klaseng tinapay lang yan, eh kung iyon naman ang expertise mo na mabenta.

2. ) Ikaw ang leader, head baker, coach, captain ball, go-to-guy, captain of the ship, ikaw ang take-charge person o over-all supervisor ng isang bakery. Leadership runs in your blood.

3. ) Ikaw ang mata, tenga at bibig ng may-ari ng bakery. Kung ano mang kahinaan, kapalpakan at kakulangan ng iyong mga kasama (assistant, helper, hornero, atbp) ikaw ang magpupuno.

4. ) Sa'yo naka-salalay ang sistemang iiral sa araw-araw n'yong paggawa. Pag tinanong ka ng may-ari, hindi puedeng ang sagot mo'y hindi ko alam o ewan ko po. Ikaw ang pinaka-positive, pinaka-compose, maparaan, maasahan at higit sa lahat mapagkakatiwalaan hindi lang ng may-ari, pati na rin ng iyong mga kasamahan.

5. ) Ikaw ang pinaka-mapagkumbaba, hindi malaki ang ulo, hindi pasaway, marunong makinig at marunong tumanggap ng pagkakamali. Handang matuto at maimprove pa ang kaalaman miski na alam nilang mas nakakataas ka sa iyong mga nasasakupan.

6. ) Una kang gigising, huli kang matutulog kung kinakailangan. Ang responsibiiidad ng kalinisan, kaayusan at katahimikan ng bakery ay sa'yo magsisimula.

7. ) Ikaw ang quality control ng timpla, lasa at kalidad ng inyong produkto.

8. ) Marunong mag-suggest ng ikakabuti ng bakery, marunong mag-costing, marunong magtipid at alam kung paano mas tatangkilikin ng mamimili ang produkto.

9. ) Never nag-isip kalabanin o pagplanuhang umalis pag naka-ipon na at magtayo ng sariling bakery. Nasa puso ang ginagawa at may intensyong paunlarin ang may-ari.

Alin man, isa, dalawa o higit pa sa mga katangian sa nabanggit sa taas ang meron ka, ipagpatuloy mo lang at kung kulang pa sikaping makamit ito, panghuli na ang suweldo. Everyday is a learning process, yes the journey starts in a single step, don't expect that in days or weeks you'll get everything and regarded notably known to be a Master Baker. It could take years and possibly a lifetime.

No comments:

Post a Comment