Monday, March 19, 2018
EVERYDAY WAITING FOR A SIGN
Year 2012 Marso, ang negosyo namin ay hindi tungkol sa pag-gawa ng tinapay, nasa network at online marketing kami noon ng aking upline-misis. May produktong kailangan kaming ibenta at may mga taong kailangan kumbinsihin para magbenta rin nito. Medyo tagilid na ang katayuan ng company at papunta na sa pagsasara. Suma-sideline sa mga Art Workshop at Art Contest Judge paminsan-minsan. May tangap na catering services, pero hindi kasing dalas ang minsan. Sa isang salita, walang tiyak na raket. Sumadya kami ng Redemptorist Church sa Baclaran. Naiisip namin ang pagtatayo ng bakery pero hindi pa kami handa, at totoong wala kaming alam sa negosyong ito. Ang naalala kong ipinagdarasal ko ng mga oras na yun ay "Lord, bigyan mo kami ng SIGN kung ano ba talaga ang negosyong tama at nilalaan Mo para sa amin."
Sa hindi akalain o talagang ang senyales na hinahanap namin ay maririnig pala namin sa homily. "Ako ang TINAPAY NG BUHAY, ang sinumang lumapit sa Akin ay kailanman ay hindi magugutom..." wika ng paring nagmimisa. Parang nagliwanag ang isip ko nun, at nabanggit ko sa aking katabing future master baker (misis) ko, "...ito na yata yun! Ito na ang sign na hinihintay natin, TINAPAY daw!" Ituloy na natin kung ano man ang ating mga plano, at siguro may nilaan Siyang maganda para sa atin.
Mahigit apat na taon kaming biniyayaan ng lakas at pagpupursigi para harapin ang bawat araw-araw na pagsubok at hirap. Mahabang pasensiya sa pakikiharap sa mga tao. Lakas ng loob na kayanin lahat ng bigo at tagumpay. Trial and error ang aming puhunan, perfection ang aming ultimate goal. Pangalawa na lang ang kita, una muna ang kailangan sa baryang ibinabayad sa aming produkto kapalit nito ay kasiyahan, ngiti sa aming mga suki at patuloy na pagtangkilik nila.
Yung mga sagot sa aming panalangin nakuha sa hindi naming inaasahan pagkakataon. Naging mahirap pero kinaya, may mga naging palpak pero naging masaya at may mga pagsubok pero bawat pagkakamali ay naging aral para maging tama ang lahat. Mga pinagdaanan naming pagsubok na siyang nagpatatag. Na balang araw pala gagamitin Niya kaming instrumento para sa mga kagaya rin namin na noo'y naghahanap ng sign sa pagsisimula ng negosyo.
Hindi madaling magturo, lalo na kung ang tuturuan mo ay mas marunong pa sa'yo, na minsan hinihintay kang magkamali. Hindi madaling magturo kung ang tuturuan mo ay never nakahawak ng harina at hilaw na tinapay sa buong buhay nila. Hindi lahat ng nag-aral ng high school ay kayang ituro ang natutunan nila nung high school. Puede kang maging magaling na dancer, singer o basketball player, pero yung skills mo ba epektibo mong maituturo kahit kanino? Teaching is talent different from skill. March 2012, anim na taon na pala ang nakalipas, yung SIGN na binigay sa amin ni Lord ay patuloy na nananariwa sa bawat nagme-message sa'min ng: "SIR/MAAM, KAILAN PO KAYO MAY BREAD BAKING TRAINING?"
Sa tunay na Mentor namin sa taas, Thank You po sa walang katapusang SIGN!
(Blog Entry, March 20, 2018)
by Edgar C. Mejia (EM)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment