Wednesday, October 10, 2018

6-TAON PAGBIBIGAY INSPIRASYON, EMPOWERING ENTRE-PINOYS!


Gusto mong magnegosyo, gusto mo libre, gusto mo madali at baka gusto mo isusubo na lang at hindi na paghihirapan o gagastusan?

Meron namang youtube, merong google? Bili ka kaya ng baking book sa bookstore. Puede nyo naman pakiusapan yung panadero sa kanto turuan kayo magtimpla, magmasa at magluto ng masarap na tinapay. Kulitin nyo, offeran nyo ng 12k? O puede naman kayo umattend sa seminar ng sikat na pastry chef. Baka hindi pa kayo mapagastos ng "malaki".

Ang tanong mahal ba ang 3500? Para sa isang araw na kaalaman mong magagamit sa iyong uumpisahang kabuhayan? Mahal ba ang 12k para sa kumpletong 4 na araw na pasabog na sekretong iyong matutuklasan sa pag gawa at pamamalakad ng bakery?

Ang binabayaran nyo ay ang 6 na taon naming kapalpakan na hindi nyo na makikita sa 1 o 4 beses nating pagkikita. Binabayaran nyo rin ang walang halagang (priceless) mga tips at procedure (pamamaraan) kung paano ang negosyong ito ay gawin ng tama. Yes tamahh ehh! Hindi mo na kailangan manghula, mag eksperimento at makiusap sa iyong panadero o kilala na turuan ka ng tama! Huwag na yung eksaktong timpla, sukat at oras na aming na-perfect para lakas-loob naming ituro ito sa iba, napapraktis naman yan!

Magnenegosyo ka, bibili ka ng equipments, raw materials, magsesetup ng puesto, susuweldo ng tao at gagastos pa para makilala ang produkto mo. Pero halagang 3500 o 12k pinag iisipan mo kung mai-scam ka ng @emmbaking101.

Sa tinagal-tagal ng panahon, may nakita kang isusubo na lang sa'yo ang kaalaman. Yung tama at totoo. Hindi tsismis, hindi haka-haka at hindi kuwento-kuwento.

6 years na ngayon ang EM&M, mula sa isang hamak na umpisa nakapag-turo na kami ng halos 1200+ katao. Karamihan tulad din namin na nangangapa kung paano magsisimula. Maraming magaling, mayabang, tahimik, simple, nanunubok, tanga-tangahan at mas mahaba pa ang experience sa amin. Pero lahat ay iisa lang ang sadya ng pumunta sa aming "malayong venue" ang matuto at makapag simula ng kanilang plano o pinapangarap na negosyo.

Sabi ko nga, kung ang duda mo ay mananatiling duda. Tanungin mo na ang sarili kung saan at ano ang magagawa sa iyo ng iyong duda.

Sa industriyang ito, ang nagtatagal ay yung totoo, yung maganda ang hangarin at iisipin muna ang ikakasaya ng ibang tao bago ang sarili.

Salamat sa mga naging bahagi ng aming paglalakbay.Araw-araw lagi kaming excited, para rin kaming laging nagsisimula, nakikita namin sa inyo ang mga aming sarili kung paano kami nag-umpisa. Again, 6th year Happy Anniversary EM&M. Hangang sa muling 6 days, 60 weeks, 600 months at 6k years magkita-kita tayo!

- Edgar Mejia (EM) & Myra (M)
A Blog Entry 10.11.18
Wordpress:  https://bit.ly/2OT8avz

No comments:

Post a Comment