Saturday, July 29, 2017

5 YEARS AND COUNTING, THE JOURNEY CONTINUES

October 2012 nang pasukin namin ang pagbe-bakery. July 2015 nang mag simula naman kaming magturo ng Bread at Cake Baking. Ang natatandaan sabi ko noon sa aking boss/master baker Myra M. Castillo​. Nabo-boring ako sa pare-pareho nating ginagawa, wala ng challenge. Magmamasa sa gabi, magluluto sa 2am ng madaling araw para sa order ng 500 pcs toasted siopao, magtitinda sa umaga ng pandesal, pagkatapos mag-deliver para sa Greenhills ng monay at pudding, pag-uwi gagawa ulit ng paninda sa hapon. Pahinga ng konti, tapos magmamasa ulit. Wala ng pinagkaiba ang bawat araw at gabi na lumilipas. Kala ko miski hindi na ako mag-gym magkaka-abs at lalaki na mga muscles ko, huh, hindi pala. Magturo kaya tayo!" sabi ko sa kanya. Ang sagot nya noon, "naku, baka pumalpak ka, baka hindi umalsa at baka mapahiya tayo!"

"Suportahan mo lang ako, marami akong hindi alam na techinique na ikaw ang magaling at nakaka-alam. Magtulungan lang tayo, hindi ako  papalpak kung sa isang araw lang, ako bahala!" ang eksaktong sagot ko sa kanya.

July 2017, makalipas ang dalawang taon, may 600+ baking students. na pala ang aming naturuan, may marunong, may nagdudunong-dungan. may mayabang, may mas magaling pa sa amin at mas matagal pa sa negosyong ito. May pilisopo, tahimik, malakas ang boses, mahiyain, takot at karamihan tulad naming hamak na baguhan lamang na lahat ay susubukan at kakayanin maumpisahan lamang ang negosyong alam naming may patutunguhan.

Mula sa ating mga kababayan na gustong pasukin at subukan ang negosyong ito, Mga doctor, fiscal, ambassador, engineer, teacher, politician, chef, businessman, networker, baker, seaman, nurse, pastor, housewife, student, foreigner, bakery owner at marami pang iba. Mapa-babae, lalake, bata o matanda, sa Luzon, Visayas, Mindanao at saan mang panig ng mundo ang aming mga taong nakasalamuha. Iisa lang ang nakikita namin sa kanilang mga mata -- the eagerness to learn and the determination to earn.

Ang aming sakripisyo, pagtitiis at walang humpay na panalangin sa Diyos ay nagbunga ng higit pa sa aming inaasahan. Sa bawat panibagong estudyante na aming tuturuan, nandun pa rin ang aming excitement (ang kaba), ang aming sigla at kagustuhan makatulong sa mga nag-uumpisa at nangangailangan ng aming munting kaalaman na sa kanila ay malaking bagay na.

Everything happened for a reason and all had a purpose. 5 years experience, 2 years perfecting the Art of Baking Commercial Breads, looking forward to many years of teaching  aspiring entrepreneurs and newbies the secrets within the secret of Pinoy breads we all love.

Edgar C. Mejia​
Blog entry: www.emmbaking101.com | emmbaking101.blogspot.com
July 29, 2017

No comments:

Post a Comment