October 2012 nang pasukin namin ang pagbe-bakery. July 2015 nang mag simula naman kaming magturo ng Bread at Cake Baking. Ang natatandaan sabi ko noon sa aking boss/master baker Myra M. Castillo. Nabo-boring ako sa pare-pareho nating ginagawa, wala ng challenge. Magmamasa sa gabi, magluluto sa 2am ng madaling araw para sa order ng 500 pcs toasted siopao, magtitinda sa umaga ng pandesal, pagkatapos mag-deliver para sa Greenhills ng monay at pudding, pag-uwi gagawa ulit ng paninda sa hapon. Pahinga ng konti, tapos magmamasa ulit. Wala ng pinagkaiba ang bawat araw at gabi na lumilipas. Kala ko miski hindi na ako mag-gym magkaka-abs at lalaki na mga muscles ko, huh, hindi pala. Magturo kaya tayo!" sabi ko sa kanya. Ang sagot nya noon, "naku, baka pumalpak ka, baka hindi umalsa at baka mapahiya tayo!"
"Suportahan mo lang ako, marami akong hindi alam na techinique na ikaw ang magaling at nakaka-alam. Magtulungan lang tayo, hindi ako papalpak kung sa isang araw lang, ako bahala!" ang eksaktong sagot ko sa kanya.
July 2017, makalipas ang dalawang taon, may 600+ baking students. na pala ang aming naturuan, may marunong, may nagdudunong-dungan. may mayabang, may mas magaling pa sa amin at mas matagal pa sa negosyong ito. May pilisopo, tahimik, malakas ang boses, mahiyain, takot at karamihan tulad naming hamak na baguhan lamang na lahat ay susubukan at kakayanin maumpisahan lamang ang negosyong alam naming may patutunguhan.
Mula sa ating mga kababayan na gustong pasukin at subukan ang negosyong ito, Mga doctor, fiscal, ambassador, engineer, teacher, politician, chef, businessman, networker, baker, seaman, nurse, pastor, housewife, student, foreigner, bakery owner at marami pang iba. Mapa-babae, lalake, bata o matanda, sa Luzon, Visayas, Mindanao at saan mang panig ng mundo ang aming mga taong nakasalamuha. Iisa lang ang nakikita namin sa kanilang mga mata -- the eagerness to learn and the determination to earn.
Ang aming sakripisyo, pagtitiis at walang humpay na panalangin sa Diyos ay nagbunga ng higit pa sa aming inaasahan. Sa bawat panibagong estudyante na aming tuturuan, nandun pa rin ang aming excitement (ang kaba), ang aming sigla at kagustuhan makatulong sa mga nag-uumpisa at nangangailangan ng aming munting kaalaman na sa kanila ay malaking bagay na.
Everything happened for a reason and all had a purpose. 5 years experience, 2 years perfecting the Art of Baking Commercial Breads, looking forward to many years of teaching aspiring entrepreneurs and newbies the secrets within the secret of Pinoy breads we all love.
Edgar C. Mejia
Blog entry: www.emmbaking101.com | emmbaking101.blogspot.com
July 29, 2017
Saturday, July 29, 2017
Wednesday, July 19, 2017
WANTED BAKER? OR YOU AS THE BOSS AND AS THE MASTER BAKER
Magtatayo ka ng #bakery o may bakery ka na? Naghahanap ka ng #Panadero o may panadero ka na? Paano kung umabsent siya, paano kung humingi ng increase ng suweldo hindi mo naibigay at paano kung pasaway o masyadong feeling mas boss pa sa'yo na kailangan lagi mong sinusuyo? Bitin ang paninda o at minsan close ka dahil day-off ang baker mo?
Mas maganda ikaw mismo bilang owner ang marunong, ilang beses ka mang magpalit ng baker, hindi magbabago ang timpla ng mga tinapay mo. Hindi ka puedeng diktahan, hindi ka puedeng paikutan at pagmalakihan!
Tara bossing try mo! Ikaw ang bida, ikaw magsusukat, magtitimpla, magmamasa, magpipigura at magluluto ng mga gawa mong panindang tinapay!
Para sa mga tanong na PAANO, SAAN, KAILAN, ANU-ANO AT MAGKANO? PM mo lang ako o sundan ang aming posts, photos, videos at reviews sa aming FB Page: www.facebook.com/emmbaking101
Sunday, July 2, 2017
JULY 2017 STOP DREAMING, LEARN BAKING, START EARNING
MGA BES AT BAE, MAY KILALA BA KAYO NA:
✔️ Gustong magtayo ng bakery, pero hindi alam paano uumpisahan
✔️ Nagbukas ng bakery, pero saglit lang nagsara
✔️ Nakabili na ng bakery equipments pero hindi alam gamitin
✔️ Umaattend ng ibang training o bread workshop pero hindi natuto
✔️ Magaling na sa pag-gawa ng cakes at cupcakes pero hindi pa perfect ang TINAPAY na puedeng pangtinda?
✔️ Malaki ang problema sa pasaway na Panadero
✔️ Gumawa ng Pandesal pero hindi umalsa
✔️ Napagod na kapapanood ng baking video sa youtube, pero matigas pa rin ang gawang tinapay
✔️ Dami ng nadownload na recipe, pero palpak pa rin ang assorted breads
✔️ Gustong kumita sa tinapay, pero problemado sa mahal ng baking raw materials
✔️ Gustong careerin ang pagbe-bake, kahit iba ang line of work o business
At marami pang iba, na masasagot sa isang araw (1 day) na ilalaan nila sa:
JULY 2017 COMMERCIAL BREAD BAKING HANDS-ON TUTORIAL/WORKSHOP
Business po ang ating pag-uusapan, puedeng pambahay o pang-negosyo. Actual bread production, yung totoo at tama hindi yung kuwento o sabi-sabi lang.
Tara! Join ka na, araw-araw puede kang magpa-sked, kami ang mag-aadjust kung kailan ka libre! Mag-isa o marami kayo Ok lang.
Kung may tanong ka pa Bes, mag-kano, saan, kailan at paano? Teka masasagot yan kung susundan mo ang aming posts, photos, videos, reviews sa aming Facebook Page: EM&M Bread Baking Workshop and Tutorial o I-PM mo lang ako.
Subscribe to:
Posts (Atom)